Pagpapatupad ng solid waste management program sa Pilar

Pagpapatupad ng solid waste management program sa Pilar

Upang higit pang matulungan ang mga barangay sa pagpapatupad ng Solid Waste Management Program sa bayan ng Pilar, nagbahagi  ng mga programang pangkalikasan si MENRO Jet G. Suguitan sa kanilang 1st quarter meeting.

Sa nasabing meeting ay nag-ulat ang mga opisyal ng barangay tungkol sa kanilang solid waste management program at environmental protection information drive gayundin ang recycling/composting activities nitong buwan ng Marso.

Sinabi naman ni Mayor Charlie Pizarro na patuloy ang pakikipagtulungan ng Municipal Task Force Kalikasan (TFK), DILG at mga barangay  para mapanatili ang kalinisan  at kaayusan ng kanilang bayan.

Leave a comment