banner

Pamahalaang Bayan ng Samal, isang drug-free workplace

Written by
  • Zeny S.
  • 3 weeks ago

Ito ang nilalaman ng Municipal Ordinance no. 22-003 ng Sangguniang Bayan ng Samal na may titulong, ” An Ordinance Institutionalizing a Drug-free Workplace in the Municipal Government of Samal and appropriating funds for the implementation”. Ito ay naipasa na sa Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng pag-isponsor ni Bokal Popoy del Rosario, Chairman ng Peace and Order and Public Safety Committee.

Base sa Ordenansa, lahat ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Samal maging ito man ay elected o appointed ay kinakailangang drug-free upang makapagbigay ng epektibo at episyenteng serbisyo sa mga mamamayan. Ayon pa sa Ordenansa, ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ay may tagubilin na pwedeng ipatupad ng alinmang establisimyento, kompanya o Pamahalaang Bayan para magkaroon ng isang drug-free workplace.

Sinasabi rin sa Ordinansa ng Bayan ng Samal na pwedeng magkaroon ng random drug testing sa lahat ng empleyado at opisyal at ang mapapatunayan na positibo sa droga ay pwedeng masuspinde o matanggal sa trabaho.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares