Parade of festivals, matagumpay na naidaos!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ang mga bayan (maliban sa Limay at Mariveles), at isang lungsod dito sa Bataan ay nakilahok at ibinida ang kani-kanilang mga street dance groups at festival floats sa ginanap na Parade of Festivals noong nakaraang Biyernes, Enero 11. Bahagi ito ng selebrasyon ng ika-262 taon ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Bataan.
Nagsimula ang nasabing parada sa may Enrique Garcia Sr. Avenue, binagtas ang Capitol Drive at nagtapos sa Capitol Compound.
Katulad nung nakaraang selebrasyon ng Araw ng Kagitingan taong 2018, nanalo muli ang Bayan ng Samal bilang “Best Float” dahil sa natatangi nitong disensyo na ginamitan ng mga Capiz shells.