Pasiklaban 2026, pinangunahan ng UP Peninsulares

Idinaos sa Limay National High School ang taunang UP Peninsulares Pasiklaban 2026 Inter-High School Competition, na may temang, ” Dagitab, Igniting a Sustainable and Renewable Future”. Ang UP Peninsulares-Ugnayan ng mga tubong Bataan, ay isang organisasyon mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños.

 

Umabot sa 16 na mataas na paaralan mula sa iba’t ibang bayan ng Bataan ang nagpaligsahan sa na nahahati sa iba’t ibang kategorya.

 

Sa Junior High School division isinagawa ang essay writing, pagsulat ng sanaysay, extemporaneous speaking, dagliang talumpati, poster making, slogan making at quiz bee samantalang, nagpaligsahan naman sa debate at short film making ang mga mag aaral ng Senior High School.

 

Ang mga nanalo sa Pasiklaban 2026 ang siyang kakatawan sa darating na National Competition na, “Palaisipan 2026; Pambansang Laban sa Isip, Sining at Panitikan.

Leave a comment