Nakiisa ang Petron sa isang mangrove planting activity sa baybayin ng Barangay Alangan sa bayan ng Limay bilang bahagi ng kanilang year-end environmental initiative na naglalayong palakasin ang pangangalaga sa kalikasan.
Humigit-kumulang 80 boluntaryo mula sa Petron Bataan Refinery, Limay Terminal, SL-Panasia, Lokal na Pamahalaan ng Limay, Philippine Institute of Chemical Engineers – Bataan, at iba pang stakeholders ang nagtulung-tulong sa pagtatanim ng 500 punla ng bakawan sa nasabing lugar.
Ayon sa Petron, mahalaga ang ganitong reforestation activity upang maprotektahan ang mga baybaying komunidad laban sa coastal erosion at iba pang epekto ng climate change, habang pinalalakas din ang lokal na ecosystem.
Dagdag pa ng kumpanya, patuloy nilang isusulong ang mga programang pangkalikasan bilang bahagi ng kanilang responsibilidad sa komunidad at pagsisikap na mabawasan ang ecological footprint tungo sa isang mas sustainable na kinabukasan.