Project ASUL, pinalakas sa bayan ng BAGAC

Project ASUL, pinalakas sa bayan ng BAGAC

Upang palakasin ang kamalayan at pakikilahok  sa komunidad sa pangangalaga sa kalikasan ay matagumpay na isinagawa nitong ika-14 ng Marso ang Project ASUL- Advancing Sustainability through Understanding and Leadership sa Barangay Pag-asa, bayan ng Bagac. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang organisasyon, partner institutions, mga kabataan at mag-aaral, na sumailalim sa iba’t ibang worksop at training sa waste segration at coastal clean-up drive.

Ayon kay Mayor Ron del Rosario, malaki ang maitutulong ng nasabing programa sa kanilang turismo kung kaya’t  dapat lang na magpokus sila dito para maisulong ang isang ligtas, malinis at maunlad na bayan ng Bagac. Nagpasalamat si Mayor Ron sa lahat ng mga sumuporta at nakilajok sa nasabing programa.

Leave a comment