banner

Regional hospital and trauma center, itatayo sa Limay

Written by
  • Mhike R. C.
  • 1 month ago

Pinangunahan noong Huwebes ni Bataan Governor Abet Garcia ang Ceremonial Signing of Deed of Conditional Donation sa pagitan ng Yunit Pamahalaang Lokal ng Limay at Fiesta Communities Inc. para sa itatayong Limay Regional Hospital and Trauma Center.

Sinaksihan ito nina Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia na siyang may akda ng batas para maitayo ito, Limay Mayor Nelson C. David, Vice Mayor Richie Jason David at Fiesta Communities Inc. President Wilfredo Tan.

Para sa naturang proyekto ay nagdonate ng 3,000 sqm. na lupain ang Fiesta Communities habang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ay naglaan ng inisyal na pondong P100 milyon.

Article Categories:
Health · News

Leave a Reply

Shares