Dumalo si Cong. Gila Garcia sa ginanap na Consultative Meeting sa pagitan ng Central Luzon Bloc at Department of Agriculture, patungkol sa mga inilatag na programa at proyekto para sa higit na pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.
Nagkaroon din si Rep. Gila nang pagkakataon na maidulog ang ilang hamon sa implementasyon ng mga nasabing programa at maipabatid ang mga prayoridad sa susunod na taon.
Nagpasalamat si Rep. Gila sa kanyang mga kasamahan sa Central Luzon Bloc para sa nasabing inisyatiba na tutukan ang mga gawaing magsusulong sa kapakanan ng mga magsasaka at tiyakin na may sapat na masustansyang pagkain ang bawat pamilya.
Nakasama ni Rep. Gila sina Rep. Ana Bondoc, Rep. Tina Pancho, Rep. Danny Domingo at Rep. Abet Garcia; gayundin ang mga resource persons na sina Usec. Arrey Perez, Usec. Alvin Balagdag, at RD Eduardo Lapuz.