banner

Samal, nagsimula nang magbakuna sa mga bata

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Sa pangunguna ng Samal Municipal Health Office sa ilalim ng patnubay ni Dr. Cristina Espino ay binuksan na ang Samal Vaccination site para sa pagbabakuna sa mga batang edad 5-11, nitong nakaraang linggo.

Personal na inobserbahan ni Mayor Aida Macalinao ang nasabing pagbabakuna upang makita ang reaksyon ng mga bata, para magbigay na rin ng lakas ng loob. Natuwa ang mga magulang na masaksihan ang pagbabakuna sa kanilang mga anak, na kung saan ang mga health staff ay nagsuot pa ng mga costume na may laruan para malibang ang mga bata, ayon pa sa mga magulang, sa wakas umano ay mapapanatag na ang kanilang loob dahil may proteksyon na ang kanilang mga anak.

Hinikayat din ni Macalinao ang iba pang mga magulang na may mga anak na edad 5-11 na makipag ugnayan sa kani-kanilang barangay health workers para mai-schedule sa pagbabakuna ang kanilang mga anak.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares