Naging mahalaga kay Cong. Gila Garcia ang dalawang araw na international conference noong Ika-11 at ika-12 ng Disyembre, ang SEMI International Policy Summit (SIPS) bilang nag-iisang kinatawan ng Pilipinas mula sa House of Representatives.
Ayon kay Cong. Gila, nagkaroon ng produktibong palitan ng kaalaman sa nasabing Summit, kasama ang pandaigdigang policy makers at industry leaders tungkol sa Semiconductor Innovation at Supply Chain resilience.
Naging highlight umano ng kanyang pagdalo sa nasabing Summit ay ang pakikipagkita niya kay Ms. Linda Tan, President ng SEMI Southeast Asia para talakayin ang regional collaboration at pag unlad ng industriya.
Nagpasalamat si Cong. Gila sa napakagandang pagkakataon na matuto mula sa pinakamahusay na global practices