banner

Tricycle drivers, mahihirap na pamilya, tumanggap ng ayuda

Written by
  • Zeny S.
  • 1 month ago

Tatlong libong tricycle drivers at mahihirap na pamilya sa bayan ng Pilar ang tumanggap ng tig limang libong pisong ayuda mula sa Pamahalaan.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro ang nasabing ayuda ay mula sa pondo ni House Speaker Lord Allan Velasco na hiningi niyang tulong para maibsan ang paghihirap ng kanyang mga kababayan lalo na ang transport group na talaga namang dumaranas ng kahirapan dahil sa pagtaas ng presyo ng gasoline, kung kaya’t ang karamihan ay halos wala nang maiuwing kita para sa pamilya.

Ang tulong ay dumaan sa DSWD Region 3, sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na pinagtulungang ipamahagi ng MSWD Pilar at mga staff ni Mayor Charlie Pizarro sa pamumuno ni Ms. Jen Lee Casin.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares