Isandaang araw nang malasakit, 100 araw nang pagkilos, 100 araw nang serbisyong tunay na kahanga-hanga, mapagkalinga at matatag, ganito inilarawan ang First 100-days in office ng kauna-unahang babaeng Mayor ng Balanga City, Raquel Garcia.
Sa unang yugto ng kanyang panunungkulan, pinagtibay ni Mayor Raquel ang mas mabuting pamamahala sa pamamagitan ng Barangay Learning Week at aktibong pakikilahok sa League of Cities of the Philippines.
Dinala niya ang pangalan ng Balanga City sa Smart Life sa Seoul, Korea kaugnay sa kanyang adhikain na gawing Smart City ang Balanga. Bilang Deputy Mission Leader, naging kinatawan siya sa International Subtle Course on Digital Transformation sa ugnayan ng Development Academy of the Phil ( DAP) at Korea Development Institute.
Tinutukan ni Mayora Raquel ang pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, kalusugan, kalikasan gayundin ang iba’t ibang sektor ng lipunan, patunay na isa siyang lider na may malasakit, nakikinig at kumikilos sa kapakanan ng bawat Balangueño.
Simula pa lamang ito nang mas marami pang ilulunsad na mga programa at proyekto sa Balanga City sa darating na panahon para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Balanga.