banner

Unang all-original content pop concert sa Bataan

Written by
BTN Pop
  • 1Bataan .
  • 2 months ago

Itatanghal na ang 11 song finalists ng BTN Pop or Bataan Pop Song and Video Festival sa Bataan People’s Center sa ika-8 ng Hunyo, sa ganap na ika-7 ng gabi.

Ang mga awit na mapapakinggan na rin sa mga music streaming platforms ay likha at inawit ng mga local artists sa Bataan. Ang nasabing concert ay inisyatibo ng BTN Association, Inc.,isang non-profit arts and media organization na naglalayong mag-organisa ng mga multi-media events na magtatampok ng mga orihinal na likha ng mga Bataaeño sa larangan ng makabagong musika at pelikula.

Matutunghayan din ng mga manunuod ang two-hour immersive visual and musical presentation ng mga song finalists, pati na rin ang mga special performances ng piling pop local artists ng Bataan.

Sa mga nagnanais na manood, maaring bisitahin ang BTN Pop Facebook Page para sa mga detalye sa pagbili ng tiket. Atin pong suportahan ang galing Bataeño!

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares