banner

Vaccination center sa Hermosa, bukas na!

Written by
  • Mhike R. C.
  • 5 months ago

Nagsimula na ngayong Huwebes ang pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay ng Hermosa sa Hermosa Covered Court.

Personal na sinaksihan ni Hermosa Mayor Jopet Inton kasama ang Hermosa RHU personnel ang 160 senior citizens na siyang first batch na nabakunahan ng first dose ng Sinovac vaccine sa ilalim ng programang ResBakuna ng Department of Health.

Ayon pa kay Mayor Inton, ito ay ang “unang hakbang patungo sa mas ligtas at COVID- Free Hermosa.”
“Pakiusap sa mga mamamayan na mahigpit na sundin ang health protocols upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating vaccination site,” pahayag ni Mayor Jopet.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
Covid-19 Update

Leave a Reply

Shares