Visa application sa ilang piling bansa, maaari nang gawin sa The Bunker

Pinasinayaan nitong nakaraang linggo, sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia ang pagbubukas ng VFS Global Office, sa 1Bataan One-Stop-Service Center for OFW’s sa 2nd floor ng the Bunker.

 

Ayon kay Gov. Joet Garcia, ang VFS Global Office, ay magpapabilis nang pagtanggap at pagproseso ng mga visa applications ng mga nagnanais na magbakasyon o magtrabaho sa mga piling bansa na nangangailangan ng visa, sa ganitong paraan hindi na kinakailangan pang pumunta ng Maynila at makaiwas sa malaking gastos.

 

Sinabi naman ni G. Syed Shalen, manager ng nasabing opisina na, nagpapasalamat siya sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia, na naisakatuparan nila ang kanilang lalayuning gawing mabilis at maginhawa ang transaksyon ng mga Bataeño sa pag-apply ng kanilang mga visa applications, gayundin kay Cong Abet Garcia na naging posible ang ugnayan ng VFS Global at Pamahalaang Panlalawigan.

Leave a comment