Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles ang tatlong araw na Visioning and Planning Workshop nitong ika-19 hanggang 21 ng Nobyembre na ginanap sa Subic Hotel. Ang nasabing workshop ay nagbigay ng malinaw na direksyon at komprehensibong batayan sa pagbuo nila ng mga plano at polisiya para sa mas maayos at ibayong pag-unlad ng kanilang bayan.
Sa pangunguna na kanilang Municipal Planning and Development Officer (MPDO) at mga resource persons mula sa UP Planades, malinaw na natalakay ang updating ng kanilang Comprehensive Land Use at Zoning Ordinance at nabuo ang Vision Statement para sa kanilang bayan.
Tinalakay din ni Mayor AJ Concepcion ang kanilang mga issues and concerns, success indicators, vision- reality gap analysis, goals, objectives, targets at iba pa. Ang mga grupo sa nasabing workshop ay nagpresenta ng kanilang mga outputs at project prioritization, para matukoy ang mga proyektong magiging gabay nila sa long-term development direction ng kanilang bayan.