banner

Wire cable factory, itatayo sa Hermosa

Written by
  • Mhike R. C.
  • 11 months ago

Naging panauhing pandangal si Hermosa Mayor Jopet Inton sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa itatayong Aluminum Wire Cable Factory ng Sumi Philippines Wiring Systems Corporation (SPWSC) sa Hermosa Ecozone Industrial Park nitong Martes, Marso a uno.

Ayon kay Mayor Inton, kasabay ng pagbubukas nito ay ang malaking oportunidad na libu-libong trabaho para sa mga Hermoseños at mga karatig bayan. Bukod dito, ito ay magbibigay aniya ng dagdag kita para sa bayan ng Hermosa na gagamitin ng Pamahalaang Bayan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ng Hermosa.

Nakasama sa naturang okasyon sina Takeshi Fujimi President of SPWS, Eric Mercado, Minoru Kawashima, Hidekatsu Hotta, Tomonori Nakagawa, at Akio Inoue President ng CAISEI Philippines Construction.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares