banner

10 – year Barangay Development Master Plan, may direksyon na

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang malinaw na sinabi nina Punong Barangay Jesselton Manaid ng Brgy. Lati, Orion at PB Nolito Herbon ng Brgy. Paysawan, Bagac nang magbigay sila ng testimonya hinggil sa paggawa ng kanilang Barangay Development Masterplan matapos ang ikalawang yugto ng pamamahagi ng mga L-300 van na ginanap sa 1Bataan Command Center sa Orani.
Ayon kay PB Manaid, noong una ay talagang wala silang ideya kung ano at paano ang paggawa ng masterplan. Matapos ang mahabang panahon ay
nabuo nila ang kanilang masterplan at dito nila nakita na may patutunguhan o direksyon na ang kanilang mga plano para sa barangay.
Ayon naman kay PB Herbon, noong una ay tila balewala sa kanila ang masterplan, na gumawa lang sila para may maipasa, pero dahil nga sa maraming kulang na data ay kung ilang ulit itong ibinabalik sa kanila kung kaya’t na challenge umano sila na kung ang malalaking barangay ay nagawa ito, silang maliliit na barangay ay magagawa din ito, kung kaya’t pinag aralan nila ito at sila ay nagtagumpay.
Sa ikalawang awarding ceremony ay muling nagpamahagi si Cong. Joet Garcia ng sampung L-300 van sa mga barangay ng Malabia, Balanga City; Cupang proper, Balanga City; Cataning, Balanga city; Lati, Orion, Townsite, Mariveles; Bantan Munti, Pilar, Bagumbayan, Pilar; San Vicente, Orion, Bantan, Orion at Paysawan, Bagac.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares