LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang napakagandang mensahe ni Gob. Abet Garcia sa mahigit na dalawang daang bagong halal na punong barangay, kagawad at SK chairman ng bayan ng Hermosa sa ginanap na mass oathtaking sa Lou-is Restaurant noong Martes, ika-26 ng Hunyo.
Sinabi pa ni Gob. Abet na bagama’t masasabing ang eleksyon sa barangay ang pinakamasalimuot na eleksyon sa bansa dahil dito nagkakalaban-laban ang lahat ng klase ng relasyon, maging ito’y relasyon ng bawat pamilya, magkakaibigan, magkukumpare, magkakapit bahay at maging magkakabarangay, kinakailangan umanong matapos ang eleksyong ito na handa ang mga nagwagi na simulang yakapin ang kanyang nakatunggali at hilumin ang sugat ng nakaraang eleksyon.
Binigyang diin din ni Garcia na ito umano ang pinakamahirap na panahon sa paglilingkod dahil sa apat na kadahilanan, una aniya, mas higit na matapang ngayon ang mga media, dahil walang takot nilang ibabalita kung ano ang ginagawa nyo sa barangay, pangalawa, higit ding mas matapang ang ang social media, na konting pagkakamali lang ay malalagay ka na sa Facebook, Instagram o Twitter, pangatlo, pahigpit nang pahigpit ang COA, na dapat alam ng mga opisyal ang mga batas dahil baka ma ombudsman kayo at pang apat ayon, na dahil na rin sa social media ay naging very demanding ang mamamayan, kung kaya’t talagang dapat ibigay natin ang ating isandaang porsyentong (100%) serbisyo at patunayang hindi sila nagkamali sa pagboto sa inyo.
Samantala gayon na lang ang katuwaan ni MayorJopet Inton ng bayan ng Hermosa na kung saan ang mayorya ng mga nanalong kandidato ay dumalo sa mass oathtaking, mensahe nya sa kanyang mga kapuwa opisyal na higit kailanman ngayon kailangang nagkakaisa para sa patuloy na progreso ng kanilang bayan lalo pa’t tumaas ng 12% ang economic growth ng bayan ng Hermosa.
Hiiling niya sa mga ito na paghusayan ang paglilingkod sa bayan at maging cooperative sa mga opisyal ng LGU.