banner

11 libong pamilya sa Abucay makatatanggap ng ayuda

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Ito ang malinaw na direktiba ni Mayor Liberato Santiago sa kanyang Municipal Administrator na si Engr. Ernesto Vergara sa isinasagawang relief operation; na bawat pamilyang Abukenyo ay makatatanggap ng ayuda mula sa Pamahalaang Bayan.

Ayon kay Engr. Vergara, kasalukuyan na silang nag rerepack ng mga goods sa dati nilang vaccination site sa Brgy Salian kung saan ay halos 100 volunteers ang tumutulong kung kaya’t naniniwala sila na sa linggong ito ay kanila nang maipamamahagi ang mga nasabing ayuda dahil nais umano ni Mayor Pambato na agad itong makarating sa mga tao.

Sinabi rin ni Mun Adm. Vergara na maging si Gob. Abet Garcia ay nagpapamigay din ng tig-25 kilo ng bigas sa bawat tahanan; nagpadala na rin umano ng 200 sako ng bigas si Cong. Geraldine Roman.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares