EducationNews

20 iskolars, nagtapos sa RIS technical training

0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nagtapos na ang dalawampung iskolars sa kursong Information Technology (IT) noong nakaraang Huwebes sa Emiliana Hall Barangay Tenejero ng lunhsod na ito..

Ang naturong training ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlungsod, sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ayon kay Balanga City Mayor Francis Garcia, hindi dito nagtatapos ang mga mahahalagang programa tulad nito lalo pa at malaking tulong ito sa paglilinang ng kaisipan ng mga kabataan.

Dinagdag pa ng Punong Lungsod na tuluy-tuloy ang pagpapatupad sa programang Rural Impact Sourcing (RIS) hangga’t may mga ahensiyang nagsusulong ng makabagong pamamaraan hinggil sa naturang araling IT.

Ipinahayag naman ni Cherly Ortega, Director, Field Operations Office Luzon Cluster 2 na mapapalad ang mga batang nagtapos ng kurong Information Technology dahil una sila sa mga iskolars na nakaranas ng ganitong pag-aaral dito sa Bataan.

Sinabi pa ni Dir. Ortega na papalawakin pa ng kanilang ahensiya ang mga ganitong programa hindi lang sa Lungsod ng Balanga kundi sa iba’t ibang munisipalidad sa Bataan at karatig na mga lalawigan.

Kaugnay nito mariing pinasalamatan ng mga nagtapos ang pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Garcia, sa  kanilang instructor, sa LIKAP VAC at mga opisyal ng DICT sa suportang inilaan sa kanila.

Anila malaking tulong ito sa pag-aangat ng buhay ng kanilang pamilya bukod sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman.

Governor Abet Garcia to ink MOA with NCIP

Previous article

PWU-Bataan shines in Subic

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Education