banner

25 kilong bigas, ipamamahagi sa bawat tahanan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 3 months ago

Sa pagsailalim ng Bataan sa ECQ mula Agosto 8 hanggang 22, magpapamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng 25 kilong bigas sa bawa’t tahanan Ang hakbang na ito ay upang mapigilan ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Lalawigan.

Ipinahayag pa ng Gobernador, nagsusumikap ang Pamahalaan na mabigyan ng tulong ang mga mamamayan partikular kung kayat sa tulong ng mga opisyal ng barangay ay muling bubuksan ang Kusina sa Barangay kung saan mga lutong pagkain ang ihahatid sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng ECQ dahil sa pandemya.

Sinabi pa ni Gob. Abet, bukod sa bigas mayroon pa ring mga ayudang pagkain ang maihahatid sa mga lokal na pamahalaan mula sa pamahalaang nasyonal.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares