banner

4 na beses na dami ng ani, tiniyak gamit ang makabagong teknolohiya

Written by
  • Mhike R. C.
  • 6 months ago

Patuloy sa paglago ang sektor ng agrikultura sa bayan ng Dinalupihan, Bataan gamit ang makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Ayon kay Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia, isa sa mga layunin ng 1Bataan Agri Inno Tech Center (1BAITC) ay ang pagtatatag ng partnerships sa merkado at ng 1Bataan Farmers.

Sa pamamagitan aniya ng precision farming, gamit ang teknolohiya ng drip fertigation, naipakita sa merkado ang mataas na kalidad ng mga inani nilang gulay at prutas; ang masaganang ani kada ektarya na hanggang apat na beses na dami kumpara sa tradisyonal na pagsasaka; at higit sa lahat, ang puso aniya ng programa: “ang Kabayanihan at Dedikasyon sa Modernong Agrikultura ng ating mga 1Bataan Farmers.”

Nagpasalamat din ang Alkalde sa zagana.com “sa pagpapahalaga sa ating mga magsasaka, sa inyong Farm to Kitchen advocacy na mapaabot ang sariwang gulay at prutas mula sa bukid, diretso sa kusina ng bawat tahanan.”

Article Tags:
· ·
Article Categories:
Agriculture · News

Leave a Reply

Shares