80 libong binhi ng bangus at feeds, ipinamahagi sa mga mangingisda

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ikinatuwa at pinasalamatan ng mga mangingisda ang pamimigay ng mga binhi ng bangus at feeds ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Francis Garcia, kasama ang mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong nakaraang linggo sa loob ng City Hall.
Ayon kay City Agriculturist at Environment and Natural Resources Officer Nerissa Mateo walumpong (80) Libong binhi ng bangos ang kanilang ipinamahagi sa 16 na mangingisda sa Lungsod.
Sinabi pa nu Mateo na hindi lang miminsan namahagi ng mga binhi ng isda ang BFAR kundi noong una pa man nang magsimulang manungkulan si City Mayor Francis Garcia.
“Ang mga ganitong programa ay makatutulong nang malaki sa ating mga kababayang mangingisda upang mapataas ang kanilang kinikita”, sabi pa ni Mateo.
Umaabot sa 1,314 ang bilang ng mga mangingisda sa Lungsod ng Balanga.
Kaugnay nito buong pusong pinasalamatan ni G. Roberto Malibiran, Presidente ng Samahang Mangingisda sa Balanga City sina City Mayor Francis Garcia, Bb. Nerissa Mateo at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa walang sawang pagsuporta sa hanay ng mga mangingisda