NewsPeace & Order

89 na pulis, nabigyan ng promosyon sa Bataan

0

Sa katatapos na Mass Oathtaking at Pinning ng ranggo para sa 2nd level ng mga kapulisan, umabot sa 89 na PNP personnel ang nabigyan ng promosyon sa lalawigan ng Bataan, ayon kay P/Col. Joel Tampis, Bataan PNP Prov’l Director, na siya na ring tumayong Officiating Officer.

Sa kanyang mensahe ipinaliwanag ni PD Tampis na bagama’t alam niyang ito ay mahalagang okasyon na dapat masaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay, ay pinili niya umanong wala na lamang pupuntang mga miembro ng pamilya, dahil sa pandemya sa halip aniya pa ay mga co-officers na kasama nila sa himpilan ang siyang naglagay ng pin para sa kanilang bagong ranggo.

Isang popular na linya sa pelikulang “Spiderman” ang hiniram ni Col Tampis para bigyang-diin ang kahalagahan ng mga tungkulin at promosyon ng kapulisan na aniya pa, “great power comes with great responsibility”, na nais umano niyang ipaalala sa mga na-promote,” that they should always remember that the public demands greater level of accountability, responsibility and integrity” sa kanilang lahat.
Si PMAJ Dennis Orbista ang nagpresent ng mga promoted PNP Personnel at bumasa ng promotion orders na umabot sa 86 na PNCO’s at 3 PCO’s.

KKDAT inilunsad na

Previous article

Early completion of DPWH projects to boost economy

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News