MILHs sa bawat rehiyon, ipatatayo sa bisa ng Innovation and Learning Hubs Act of 2025

MILHs sa bawat rehiyon, ipatatayo sa bisa ng Innovation and Learning Hubs Act of 2025

Inanunsyo ni Bataan First District Rep. Tony Roman III ang pagpapatupad ng Multi-Purpose Innovation and Learning Hubs (MILHs) sa buong bansa sa ilalim ng Innovation and Learning Hubs Act of 2025.

Ayon kay Congressman Roman, layunin ng programa na maglagay ng mga hub sa bawat grupo ng magkakatabing bayan o lungsod upang palawakin ang access ng publiko sa edukasyon at iba’t- ibang oportunidad.

Ang mga MILH ay itatayo bilang bukas na pasilidad para sa lahat at magbibigay nang libreng aklatan, digital resources, skills training, at tulong para sa mga nais magsimula ng negosyo. Target na makinabang dito ang iba’t ibang sektor tulad ng mga estudyante, kabataan, manggagawa, at magsasaka na naghahangad ng dagdag na kaalaman at kasanayan.

Ayon sa tanggapan ni Roman, layunin ng proyekto na alisin ang hadlang na dulot ng kahirapan at layo ng lugar sa pagkuha ng impormasyon at pagsasanay. Inaasahan na magbibigay ang MILHs ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad at mas maginhawang pamumuhay sa mga komunidad sa buong bansa.

Leave a comment