Pinarangalan ng Bataan Provincial Statistics Authority office, ang Municipal Civil Registry Office (MCRO) ng Mariveles sa pamumuno ni Municipal Civil Registrar Roseller Romero, sa nakaraang Bataan PSA 2025 Gawad Estadistika Awards na may temang, “Building a Resilient, Agile and Future Fit Civil Registration and Vital Statistics” na ginanap noong ika-23 ng Disyembre sa Plaza Hotel Balanga City.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion ginawaran ng parangal ang kanilang MCRO ng “Best in Timeliness” in the submission of civil registry documents (large category) at “Best in Coordination” in the conduct of birth registration assistance projects. Dagdag pa ni Mayor AJ, ito ay bilang pagkilala sa maagap na pagsusumite ng mga dokumento at mahusay na koordinasyon sa pagpapatupad ng birth registration program.
Ang parangal na ito, ayon pa kay Mayor AJ Concepcion ay patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon, maayos at dekalidad na serbisyo sa kanilang mga kababayan.