H&M Diagnostic and Laboratory, pinasinayaan

Pinasinayaan na nitong ika -20 ng Enero ang H&M Diagnostic and Laboratory sa Pilar Arcade sa pangunguna nina Mayor Charlie Pizarro, Vice Mayor Ces Garcia, Sangguniang Bayan members at mga punong barangay sa pagbasbas ni Fr. Romeo Pornel.

 

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, ang Diagnostic at Laboratory center ay bahagi ng pakikipagkasundo ng yunit pamahalaang lokal, kung saan ang mga mamamayan ng Pilar ay libreng makikinabang sa mga serbisyong medikal tulad ng blood chem, 2D Echo, ECG, Drug testing, ultrasound at mga libreng gamot.

 

Dahil kinukumpleto pa ang ibang mga kagamitan, ang laboratoryo ay magbubukas pa sa buwan ng Pebrero subalit maaari nang magpa-konsulta; kinakailangan lamang na makipag ugnayan ang mga mamamayan sa kani- kanilang mga barangay at sa RHU para sa kaukulang koordinasyon.

Leave a comment