banner

Alliance ng1Bataan Balikatan at HNP, para sa good governance

Written by
  • Zeny S.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA – Ginanap kahapon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Civic Center ang makasaysayang paglagda ng kasunduan
sa pagitan nina Gov. Abet Garcia ng Partidong 1Bataan Balikatan at presidential daughter at Davao Mayor Sara Z. Duterte ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na sinaksihan ng mga opisyal at kinatawan ng 11 munisipalidad at isang siyudad ng lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Gob. Abet Garcia, naniniwala umano siya na ang
pagtitipon tipon ng mga indibidwal at mga grupo ng mga tao sa Hugpong ng Pagbabago ay upang palakasin pa ang Good Governance, matibay na liderato, mas maunlad na buhay, better health, better education at iba pang programa para lalo pang gumanda ang buhay.
Dumalo din sa nasabing pagtitipon ang mga tatakbong senador sa line up ni Pangulong Duterte na sina Francis Tolentino, Senator Cynthia Villar, Imee Marcos, Jinggoy Estrada, Bong Revilla na kinatawan ng kanyang maybahay na si Lani Mercado, Harry Roque, Sen. Sonny Angara, Bato dela Rosa, Bong Go at iba pa,na kung papalaring manalo ang mayorya ayon pa kay Gob. Abet
ay tiyak na makatutulong sa ating Pangulo para nang sa gayon ay makatulong din sa atin na dumami pa ang biyayang darating sa lalawigan ng Bataan.
Binigyang diin pa ni Gob. Garcia ang mga programa ni Pangulong
Duterte gaya ng libreng edukasyon, irigasyon para sa mga magsasaka, programa laban sa korupsyon, paglaban sa ilegal na droga, build, build, build projects at marami pang iba para higit na kaunlaran ng ating bansa, na sa nasabing line up ng mga senador, naniniwala siyang magagawa ng ating Pangulo ang higit pang pagtulong sa bayan, na siya nating susuportahan
sa ngayon, dagdag ng magiting na Gobernador ng Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares