banner

“Ang galing ng gobyerno ng Bataan” – SM Foundation AVP

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

LUNGSOD ng BALANGA – Hindi matatawaran ang papuring ibinigay ni SM Foundation AVP, Cristy Angeles sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataaan sa kanyang mensahe sa mga magsasaka sa ikalawang paglulunsad ng SM Foundation Kabalikat sa Kabuhayan.
Ayon kay AVP Cristy Angeles “ang galing galing ng inyong gobyerno,  they have never stopped dreaming para umangat ang inyong kalagayan”, dagdag nya pa, ngayon lang siya nakakita ng mga seryosong opisyales ng pamahalaan na talagang gustong makatulong sa mga mamamayan.
Binanggit niya ito sa harap ng may 200 magsasaka para ipaalam sa kanila kung gaano kalugod ang SM Foundation sa ipinakitang koordinasyon ng mga namumuno sa Bataan partikular na sina Gob. Abet Garcia at Mayor Gila Garcia ng bayan ng Dinalupihan lalo pa’t maganda ang resulta ng kanilang programa sa nasabing bayan.
Ang ginanap na paglulunsad ng SM Foundation Kabalikat sa Kabuhayan sa Bgy. Tuyo ay ika -199 na sa buong Pilipinas at ikalawa sa lalawigan ng
Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares