Mini 4-wheel tractor matatanggap ng BCUFA

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nakatakdang dumating  ano mang araw mula  ngayon ang isang Mini 4-wheel tractor na ipagkakaloob naman sa Balanga City Upland Farmers Association (BCUFA) sa Barangay Dangcol ng Lungsod na ito. Ayon kay Ronnie Lopez, City Supervising Agriculturist inihahanda na lang ni Jesus Saldeo Chairman ng BCUFA ang trailer para makuha nila ang naturang […]

Sampaguita: mabango na, may pera ka pa!

Alam ba ninyo na ang ating pambansang bulaklak  na Sampaguita ay maaaring pagkunan ng ating kabuhayan? Narito ang kwento ng mag-asawang Ceferino at Arsenia Sanchez, tubong Puerto Rivas, Lungsod ng Balanga. Ayon kay Mang Ceferino nagsimula silang magtanin ng 1,000 puno ng sampaguita noong taong 1994 sa palibot ng kanilang kubo sa Sityo Aquino, bayan ng […]

Iba’t-ibang putahe mula sa kapis, itinuro

PILAR, Bataan – Ang mga kasapi ng Barangay Wawa Fish Sellers Association ng bayang ito ay nagsanay sa loob ng dalawang araw upang matutunan ang pagluluto ng iba’t-ibang putahe gamit ang laman ng kapis. Ang nasabing proyekto ay inilunsad ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Julie Ann Dizon at sa tulong ni Pilar Mayor Alice […]

May pera sa atsuwete!

PILAR, Bataan – Alam  ba ninyo na ang bunga ng Atsuwete o Annatto ay malakas palang pagkakitaan at iyon ang hindi alam  ng marami sa ating mga kababayan dito sa Bataan at karatig  lugar. Ang atsuwete ay isang maliit na puno na tumutubo kahit saang lugar. Kapag ang bunga nito ay medyo naging dark brown na pwede na itong pitasin at […]

Briefing at orientation para sa Bantay Peste brigade, sinimulan na

PILAR, Bataan – Mapalad ang mga magsasaka sa bayang ito dahil isa sila sa mga napili ng Regional Care Protection Center RCPC upang lumahok sa Farmers Field School on Bantay Peste Brigade kung saan isinagawa na kahapon ang briefing at orientation sa Sityo Aquino. Ayon kay Edgardo Supan, Sr. Science Research Specialist, ang pag-aaral para puksain […]

Ugaliing kumain ng gulay

PILAR, Bataan – Hinimok ng mga kasapi ng Nature’s Keepers Association (NKA) ang lahat na ugaliing kumain ng mga gulay na hindi ginagamitan ng ano mang kemikal para mapanatiling malusog ang ating pangangatawan. Ayon kay Reynaldo dela Rosa, chairman ng NKA, sila ay patuloy na nagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay sa kanilang lugar sa […]

Tulong sa magsasaka, mahigit 5M na!

BALANGA CITY, Bataan – Umabot na sa mahigit P5 Milyon ang tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga magsasaka sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Albert Raymond Garcia sa lalawigan ng Bataan. Ayon kay Gng. Imelda Inieto, hepe ng Office of the Provincial Agriculturist, tinatayang aabot sa P5,645,224.00 ang halaga ng mga kagamitan na naipagkaloob […]

Tara na, sa Dizon Farn and Resort

PILAR, Bataan – Isang malaparaisong farm and resort, ito ang tamang puntahan ng ating mga kababayang hangad na magpalamig lalo pa at matindi pa rin ang init na nararanasan natin sa ngayon. Ang BF Dizon Farm and Resort na pag-aari ng isang 72 taong gulang na si Mang Bert Dizon ay matatagpuan sa isang ektaryang […]

Gamit pangisda, tinanggap ng mga mangingisda ng Pilar

PILAR, Bataan – Bitbit kahapon ng mga mangingisda ng bayang ito ang mga kagamitan na personal na ipinamahagi ni Department of Agriculture Secretary Manuel Piñol. Kabilang dito ang mga life vest jackets, lambat, makinang de motor at bangka. Ang mga nabiyayaang mga mangingisda ay hindi lamang sa bayang ito kung hindi maging sa ibang bayan ng […]

Traktora, pinakikinabangan na

PILAR, Bataan – Pinakikinabangan na ng mga magsasakang kasapi sa Pilar Organic Farmers Association Inc. (POFAI) ang 4-wheel tractor na ibinigay ng Office of the Municipal Agriculturist ng bayang ito, sa tulong ni Mayor Alice Pizarro at ng Department of Agriculture Regional Office 3. Ayon kay Josephine Ciriaco, Farm Supervisor at Technician,  malaking tulong ito sa […]