COVID-19 News

Ayuda ng lalawigan sa siyam na barangay, handa na

0

Dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa siyam na barangay sa bayan ng Mariveles, napagpasyahan sa pagpupulong ng Prov’l IATF sa pangunguna ni Gob. Abet Garcia, at base na rin sa inaprobahang kahilingan ni Mayor Jocelyn Castaneda sa Regional IATF na simula sa ika-12 hanggang ika-26 ng Setyembre ay isailalim sa localized lockdown ang mga barangay Poblacion, Camaya, San Carlos, San Isidro, Maligaya, Malaya, Balon Anito, Sisiman at Ipag, na may double digit na bilang ng kaso ng COVID-19.

Ang mga alituntuning ipatutupad ay base sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung kaya’t walang makalalabas at walang makapapasok na mga tao sa kanilang lugar. Dahil dito, sinabi ni Gob. Abet na dahil sa pansamantalang hindi makapaghahanapbuhay ang ating mga kababayan sa mga apektadong barangay ay magpapadala ang Pamahalaang Panlalawigan ng tulong sa bawat pamilya, muling bubuksan din, ayon pa kay Gob. Garcia ang Kusina sa Barangay” upang masiguro na walang magugutom sa ating mga mamamayan sa mga nasabing barangay sa loob ng 14 na araw.

Nilinaw din ni Gob. Garcia na sa ilalim ng ECQ, maliban sa pagbili ng essential goods and services ay talagang stay home ang lahat ng mamamayan. Dagdag pa ni Gob. Abet, na kung matatandaan natin, noong March at April ay naka-quarantine pass pa tayo, na talagang malaking sakripisyo para sa atin, kaysa naman lumobo pa ang ating mga covid-positive.

‘Malawak na pang-unawa at kooperasyon’

Previous article

Bataan, patuloy sa paghahanda sa pasukan sa Oktubre 5

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply