NewsSocial Welfare

Ayuda, sinimulan nang ipamahagi sa Abucay

0

Aabot sa mahigit P34 na milyong halaga ng financial assistance ang sinimulang ipamahagi ngayong Martes sa bayan ng Abucay. Ito ay alinsunod sa inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga naapektuhan ng pagkakasailalim ng Bataan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mulang noong ika-8 hanggang ika-22 ng Agosto.

Ayon kay Abucay Municipal Administrator Engr. Estoy Vergara, nagsilbing pilot area sa distribusyon ang Barangay Gabon na personal na sinaksihan nina DILG Undersecretary Jonathan Malaya at DSWD Asst. Sec. Rhea Peñaflor kasama ang iba pang opisyal at kawani ng mga nabanggit na ahensya.

Ang mga LGUs ng Bataan, sa pangangasiwa ng pamahalaang nasyonal, ay naatasang ipamahagi ang tulong pinansyal sa kani-kanilang nasasakupan katuwang ng DSWD, DILG at ang PNP naman para sa pagbabantay at pagpapatupad ng seguridad pangkalusugan at pangkapayapaan sa mga distribution areas.

Ayon sa DILG, ang tulong pinansyal ay direktang ipamamahagi sa mga kinauukulang LGUs para sa pagbibigay ng cash aid sa mga apektadong residente sa halagang PhP1,000.00 bawat indibidwal, na may maximum na halagang PhP4,000.00 bawat pamilya.

Sa kabuuan ay nasa mahigit P699 milyon ang inilaan ng pamahalaang nasyonal para sa lalawigan ng Bataan sa ilalim ng naturang programa.

FAB workers back to the grind

Previous article

Hope Behind Bar paper adjudged Best Paper

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News