banner

Bagong proyekto para sa mga magsasaka, inilunsad!

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

ABUCAY, Bataan – Inilunsad kahapon, ika-31 ng Enero, ng Bataan Peninsula State University (BPSU) ang Community Based Rice-Mushroom Project Production Technologies and Innovation in Bataan for Sustainable Development, kasabay ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement na nilahukan ng mga opisyal ng Department of Agriculture Region lll, BPSU at mga magsasaka na ginanap sa Farmers Training Center-AC sa Barangay Bangkal ng bayang ito.

Ayon kay Dr. Grogorio Rodis, Presidente ng BPSU, inilunsad ang nasabing proyekto upang bigyan ang mga magsasaka ng pangunahing kaalaman gamit ang makabagong teknolohiya at nang hindi sila gumagaya lamang sa kung ano ang sabihin ng iba.

Sinabi naman ni Dr. Arthur Dayrit, Department of Agriculture RFO 3 Representative na pangarap ng kanilang ahensya na umunlad ang buhay ng mga magsasaka kaya dapat mapag-aralang mabuti na mapataas ang kanilang ani at kita.

“Kaya kami nag-aaral ng mga makabagong pamamaraan sa sakahan sa ibang bansa tulad ng London para matutunan ang kanilang ginagamit na mga bagong teknik para maiaplay, maibahagi sa inyo (magsasaka). Ipakita natin na tayo ay nagkakaisa, gusto ng gobyerno natin na tayong mga Pilipinong magsasaka ay umasenso, pahayag ni Dr. Hermogenes Paguia, Director RDO-BPSU.

Dumalo din sa nasabing pagtitipon si dating Bokal Gaudencio Ferrer na ngayon ay consultant ni Gob. Albert Garcia, at bahagi ng kanyang pahayag “aanhin ko ang dunong ko kung ito ay itatago ko lamang, andito kayo para turuan ng BPSU at ang makikinabang  sa programang ito ay kayo din”.

Ang programa ay suportado ng mga Municipal Agriculturist: Arturo Matias ng Orani, Julie Ann Dizon ng Pilar at Balanga City Agriculturist Nerrisa Mateo na kinatawan ni City Supervising Technician Ronie Lopez.

Matagumpay na nailunsad ang proyekto sa pamamagitan ng matiyagang pangangalap ng mga piling magsasaka sa tatlong bayan ng Orani, Pilar at Balanga City nina Dr. Rina Paguia, BPSU Chairperson, EFSO, Ms. Mirasol Rosano, BPSU Agriculturist Tachnician l, Mr. Christian Balba, study leader at Grace Santos bilang support staff.

Kaugnay nito binuo ng BPSU ang isang grupo na siyang mamumuno sa samahan, ang Farmers-Innovators of Bataan (FIBA); President- Mr. Norberto “Recto” Paguia; Vice President- Mr. June Gigante; Secretary- Aida Javier; Treasurer – Jose Balboa ll;  Auditor – Mr. Ricardo Chua; Public Relations Officer – Dionisio Capalaran at Business Managers – Quintin Mendoza at Virginia de Leon.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares