banner

“Bahay Pagbabago, simbolo ng “bayanihan” …Mayor Gila Garcia

Written by
  • Zeny S.
  • 4 years ago

DINALUPIHAN, Bataan – Sinimulan sa isang misa ng pasasalamat ang unang taong anibersaryo ng Bahay Pagbabago, isang rehabilitation center para sa mga drug surrenderees, na ayon kay Mayor Gila, nais niyang bigyang halaga ang isang “tahanan” na naging daan upang ang 9 batches ng mga surrenderees na mahigit isang libo, ay makakita ng liwanag at pag-asa sa kanilang buhay.

Binanggit ni Mayor Gila sa kanyang mensahe na hindi lamang surrenderees ang dapat magbago kundi aniya, lahat ay dapat magbago para masolusyunan ang sakit ng lipunan.

Dagdag pa ng butihing Mayor na, alam naman umano natin na ang problema ay karaniwang nagsisimula sa pamilya subalit dapat nating isipin na ang problema ng isa ay nagiging problema ng lahat kung kaya’t kinakailangan ang pakikibahagi o pagsuporta, ang pagkakaroon ng pagkakaisa o bayanihan para masugpo ang problema.

Ang salitang bayanihan, paliwanag pa ni Mayor Gila ay mula sa salitang “bayani” kung kaya’t sa pagdiriwang nila ng unang taong anibersaryo ng Bahay Pag-asa ay nais niyang pasalamatan ang mga “bayani” mga volunteers, mga taong nagbigay ng kanilang oras, kakayahan at tulong na walang hinintay na kapalit bagkus ay taus pusong pagsuporta upang ang programa sa Bahay Pag-asa para sa mga surrenderees ay maging matagumpay.

Binigyang diin ni Mayor Gila na ang 30 araw na pagsailalim sa rehabilitasyon sa Bahay Pag-asa ng mga surrenderees ay hindi sapat para maayos nila ang kanilang buhay, dahil higit na mahirap ang susuungin nilang hamon sa kanilang paglabas sa nasabing tahanan, kung kaya’t hinihikayat niya ang pamilya na maging matatag para sa tuloy-tuloy na pagbabago.

Para sa mga surrenderees, hinling ni Mayor Gila na huwag sayangin ang lahat ng effort, oras at kabutihan ng lahat ng tao, volunteers at mga ahensya ng pamahalaan partikular na ang Provincial Government sa pamumuno ni Governor Abet Garcia na talagang naglaan ng tulong para maayos ang lahat at talagang magkaroon ng totoong transformation.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Peace & Order · Social Welfare

Comments are closed.

Shares