Barangay Learning Week, malaking tulong

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa pamamagitan ng Barangay Learning Week program, naibababa sa mga barangay ang mga programa at serbisyo ng pamahalaang panlungsod.
Ilan sa mga na karaniwang ginagawa ay ang Medical Mission, Registration of Live Birth, Eyeglasses Distribution at Job Registration at pag-aaral ng pagluluto.
Maraming residente ang nabiyayaan sa libreng tsek-up ng mga doctor na may karampatang mga gamot, natuwa naman ang ilang senior citizen na may mga malalabong paningin dahil sa libreng salamin, mga kabataan na walang trabaho narehistro at mga nanay na natutong gumawa ng siomai.
Sa nakaraang barangay learning week na ginanap sa Brgy. Central ng lungsod na ito, nagpasalamat si Punong Barangay Romeo Caparaz dahil sa mga tulong na naibibigay ng nasabing programa pati namga kapaki-pakinabang na proyekto.
Sinabi naman ni Mayor Francis na hindi hihinto ang pamahalaang panlungsod katuwang sina 2nd District Congressman Joet Garcia at Governor Albert Garcia sa pagtulong upang mapabuti ang kabuhayan ng mga tao sa barangay.
Ang Barangay Week ay isinasagawa sa 25 barangay sa Lungsod, na pinasimulan noong si Cong. Joet pa ang punong lungsod ng Balanga.

Live Search