banner

“Basura mo, Kinabukasan ko” inilunsad ng PNP

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Inilunsad na ng Bataan Provincial Police Office sa pamumuno ni Bataan Provincial PNP Commander P/Sr. Supt. Marcelo Dayag ang programang “Basura Mo, Kinabukasan Ko” sa loob ng Camp Tolentino ngayong umaga, ika 21 ng  Mayo.

Ayon kay Col. Dayag layunin ng programang ito na tulungan ang mga batang mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa buong lalawigan ng Bataan.

Ang lahat umano na pagbibilhan ng mga inipong basura tulad ng mga plastic na bote ng sofdrinks, lata, papel at iba pang mga basurang pakikinabangan ay kanilang pagsasama samahin at kanilang ibebenta para makatulong sa mga mahihirap na batang mag-aaral.

Idinagdag pa ng Provincial Commander na hindi lang katahimikan ang tinututukan ng PNP  kundi mayroon din silang programang Pagkakaisa para sa maganda , Ligtas at Matatag na paaralan tungo sa Magandang Kinabukasan sa tuwing sasapit ang pasukan.

Inatasan na ni Col. Dayag,  ang lahat ng kanyang Chief of Police sa Una at Ikalawang Distrito ng Lalawigan na makilahok sa gagawing Brigada Eskwela sa Mayo 28 hanggang Hunyo 2.

Samantala sinabi naman ni G. Ramon Perez ng DepEd Bataan,na ito ang kauna-unahang narinig niya  na ang kapulisan ay kumakalinga sa mga mahihirap na bata partikular sa edukasyon, na hindi kayang gawing nag-iisa ng DepEd.

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment · News

Comments are closed.

Shares