banner

Bataan, may 24 vaccination sites na

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 years ago

Personal na sinaksihan nina Bataan Governor Abet Garcia at Bataan 2nd District Representative Jose Enrique “Joet” Garcia III ang pagbubukas ng 24th vaccination site sa Bataan nitong Biyernes.

Matatagpuan ito sa covered court ng Barangay Alion, Mariveles na naitatag sa pagtutulungan ng public at private sectors kabilang ang Bataan Medical Society, Philippine Medical Association, GN Power, Philippine Red Cross, BPSU, Department of Health, DPWH, Alion Barangay Council sa pamumuno ni Punong Barangay Al Balan, tanggapan ni Congressman Joet Garcia at Provincial Government ng Bataan.
Ang nabanggit na vax site ay pang-anim na sa bayan ng Mariveles na siya ngayong itinuturing na epicenter ng Covid-19 pandemic sa Bataan na ngayon ay nasa ilalim ng Ehanced Community Quarantine simula Agosto 8-22, 2021.

Nitong nagdaang Mierkoles ay binuksan din sa Barangay Alasasin sa Romalaine’s Restaurant and Leisure Park ang ika 23rd vaccination site ng Bataan sa pagtutulungan din ng public at private sector sa koordinasyon at inisyatiba ni former Mariveles Mayor Ace Jello Concepcion na ngayon ay legal consultant ng Bataan Public-Private Partnership and Investment Center ng Bataan Provincial Government.

Ayon kay Congressman Joet Garcia, patuloy ang kanyang koordinasyon kasama si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman sa DOH at National IATF for Covid-19 Response para patuloy na palagiang makasama asa priority list ang Bataan sa regular na suplay ng mga bakuna para sa target ng pamahalaang panlalawigan na kaagad makamit ang her immunity bago sumapit ang panahon ng Kapaskuhan.

“Six days na po ang ating ECQ pero patuloy pa ring tumataas ang active cases…pero it may take a while bago po siya bumaba, sana po sumunod tayo sa mga health protocols sa loob at labas ng bahay lalo na kung mayroon tayong APOR, kahit sa loob ng bahay mag facemask po tayo, huwag muna tayong kumain ng salu-salo dahil pami-pamilya na po ang naghahawa hawa na dinadala sa emergency rooms,” paalala at pakiusap ni Gov.Garcia sa mga Bataenio.

Tiniyak din ni Governor Garcia na sa mga susunod na araw ay madaragdagan pa ang mga vaccination sites sa buong Bataan para makatulong na mapabilis ang vaccine roll-out na makakatulong ng malaki para makamit ng. probinsya ang inaasam na herd immunity.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares