banner

Bataan nanguna sa CL sa dami ng mga drug-cleared barangays

Written by
  • Mhike R. C.
  • 4 years ago

ORANI, Bataan – Nanguna ang lalawigan ng Bataan sa Gitnang Luzon na may pinakamaraming drug-cleared barangays.

Ito ang iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isinagawang Provincial Peace and Order Council (PPOC) meeting kahapon sa 1Bataan Command Center na pinangunahan ni MBDA general manager Charlie Pizarro Jr. at Bataan PPO provincial director, Senior Supt. Marcelo Dayag.

Ayon sa ulat, limamput walo (58) barangay ang naideklara ng PDEA bilang drug-free kung saan ang bayan ng Bagac ang tanging munisipalidad na drug-free ang lahat ng mga barangay.

Samantala, nananatiling pinakamataas na porsyento ng mga kaso ng mga inmates sa Bataan District Jail ang drug-related cases kung saan umabot na ito sa 80% sa kabuuang 2,015 populasyon sa nabanggit na piitan.

Karamihan sa mga detainees ay mula sa Mariveles na may 529 inmates at sinundan ng Limay na may 236 bilang ng bilanggo.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares