Bataan PNP, Best Provincial Command sa Central Luzon

CAMP TOLENTINO, Bataan – Batay sa mga ulat na nakararating sa regional command ng PNP, nanguna ang Bataan PNP sa buong Central Luzon sa pagpapatupad ng mga programa laban sa kriminalidad at pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

Dahil pinakamababa ang Bataan sa naitatalang datos ng kriminalidad, maayos na pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot, at iba pang mga gawain ng kapulisan para sa ikabubuti ng mamamayan, napili ng PNP ang Bataan bilang “Best Provincial Command” sa buong Central Luzon nito lamang buwan ng Hunyo. Habang si PD Benjie Silo naman ang nahirang na Best Provincial Commander.

Kaugnay nito, mataas na grado ang ibinigay ng mga mamamayan kay PNP Provincial Director Benjie Silo sa kanyang magandang accomplishment sa loob lamang ng isang taong pagkakatalaga sa Bataan.

Ayon sa mga mamamayan, matitindi ang mga naging accomplishment ni PD Silo na nagbigay ng magandang imahe sa lalawigan sa isang taon pa lamang na panunungkulan.

Matatandaang ilang buwan pa lamang sa kanyang pwesto nang ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang direktiba ukol sa pagsugpo sa droga, at matapos ang maayos na pagtalima sa utos ng Pangulo na linisin ang lalawigan, ay na-deklara ang Bataan bilang kauna-unahang lalawigan na drug free.

Samantala, pagkakaroon ng bawat bayan ng mga “Bahay Pagbabago” para sa rehabilitasyon ng mga sumuko na mga taong may kinalaman sa droga, ay napili naman ang bayan ng Dinalupihan ng PNP bilang model rehabilitation center sa buong Central Luzon.

Sa pamumuno ni PD Silo, hindi mabilang na mabibigat na kaso ang naresolba o nasolusyunan nang maayos at tahimik; nariyan ang pagsagip sa ilang mountain climbers sa bundok ng Mariveles sa kasagsagan ng isang bagyo; ang mapayapang pag disperse sa mga tao habang may nagaganap na demolition sa bayan pa rin ng Mariveles, at kamakailan lamang ay ang nahuli na suspect sa pagpaslang sa isang konsehal sa bayan ng Hermosa.

Ayon kay Governor Abet Garcia, ang pagkakaroon ng tahimik na pamayanan sa kanyang liderato ay isa nang magandang accomplishment, dahil hindi umano magiging progresibo ang isang bayan o lalawigan kung ito ay magulo at hindi maayos ang peace and order situation.

 

Live Search