News

Bataan PNP, tumanggap ng dalawang pagkilala

0

Sa idinaos na 26th Police Community Relations Month celebration, na may temang “Pulisya at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen”, kahapon, ika-30 ng Hulyo sa Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando sa Pampanga, kung saan panauhing pandangal at tagapagsalita si NAPOLCOM Regional Director 3, Julieta P. Rañesca, dalawang opisyal ng Bataan Police Provincial Office ang tumanggap ng pagkilala.

Tinanggap ni Bataan PNP Provincial Director PCol. Joel K. Tampis ang pagkilala para sa Outstanding Police Provincial Office for 2021 at ni PMajor Emerson L. Coballes, Chief of Police, Pilar Municipal Police Station para sa Outstanding Municipal Police Station, Regional at National awardee, 2021.
Ang mga nasabing parangal ay bilang pagkilala sa mahusay na pagpapatupad at pagsasagawa ng mga makabuluhang proyekto at serbisyo sa ilalim ng Police Community Affairs and Development (PCAD) Program ng PNP.
Kinilala din ang naging mahalaga at di-matatawarang partisipasyon ng PNP sa ating nagpapatuloy na paglaban sa COVID-19 na malaki ang naging kontribusyon para sa pagpapanatii ng kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa ating bansa na naging daan na rin upang mas mailapit pa ang pamahalaan partikular na ang ahensya ng PNP sa ating mga komunidad.

With report from Jonie Capalaran

Latest posts by 1Bataan (see all)

Dinalupihan, under state of calamity; relief efforts ng LGU, nagpapatuloy

Previous article

SM donates relief packs to Dinalupihan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News