banner

Bataan, target na unang lalawigan na may herd immunity

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Sa kanyang mensahe, sa pagbubukas ng ika-23 vaccination site sa lalawigan, sinabi ni Gob. Abet Garcia na ang nasabing proyekto ay mula sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lalawigan ng Bataan, GN Powers at Romalaines resto and resort, na siyang vaccination site.

Ikalima sa bayan ng Mariveles ang Romalaines vax center, na ayon kay Gob. Abet ay napakaganda dahil maluwag, maaliwalas, mahangin at tamang-tama ang lokasyon para sa ating mga kababayan sa upper Mariveles, na hindi na kakailanganin pang bumaba ng Mariveles proper para magpabakuna.

Dahil tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Mariveles, binigyang-diin ni Gob. Abet ang istratehiya ng Pamahalaan; ang prevention at vaccination, na ayon pa sa kanya, nasa ating mga kamay ang ating kaligtasan, sa pagsunod sa mga health protocols samantalang ang pagpapabakuna ay proteksyon para sa ating sarili, sa ating pamilya at sa buong komunidad.

Dagdag pa ni Gob. Garcia na sa mga bansang US at Canada na mayroon ng mga herd immunity ay mayroon pa rin umanong mga nagkaka-COVID dahil sila ang mga taong hindi nabakunahan.
Kung kaya’t hinikayat ni Gov Abet ang lahat na suportahan ang istratehiya ng Pamahalaan dahil napakalaking tulong umano nito upang maabot natin ang target natin bilang unang lalawigan na magkaroon ng herd immunity para maligtas ang ating mga kababayan, ang ating mga mahal sa buhay, mabuksan ang ating ekonomiya para maitaguyod ang pamilya at magkaroon ng maligayang Pasko sa pagtatapos ng taon.

Samantala ganon na lamang ang papuring ibinigay ni G. Bobet Raciles ng GN Powers kay Gob.
Abet na ayon sa kanya, mabuti na lang umano at nabigyan tayo ng mahusay na lider na may kakayanan at pagmamalasakit sa kanyang nasasakupan.
Pinasalamatan naman ni Gob. Abet si Atty AJ Concepcion na ayon sa kanya ay isang silent worker na siyang naghirap na ma-organisa ang nasabing vax center kasama ang buong Sangguniang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ng Vice Mayor Lito Rubia.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares