banner

Bayan ng Hermosa, binaha ng biyaya!

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 years ago

Matapos bumaha ng tubig ulan nitong mga nakalipas na linggo lalo na sa mga low-lying at flood-prone areas, bumaha naman ngayong Sabado ng biyaya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at sa Pamahalaang Bayan ng Hermosa.

Ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, sinimulan na nila ang pamamahagi ng tig-25 kilong bigas galing sa Kapitolyo at relief packs galing sa LGU-Hermosa para sa lahat ng households sa bawat barangay.
Ang bigas at food packs sa bawat households ay bilang ayuda ng mga lokal na pamahalaan sa lahat ng apektado ng pagsasailalim sa buong Bataan sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Sinimulan ang pamamahagi nitong Sabado sa Barangay Culis, Sumalo, Pandatung, Mandama, Palihan, Cataning, Balsik at Saba.

Nagpasalamat si Mayor Inton sa mga volunteers, BFP Hermosa, PNP Hermosa, MSWDO Hermosa at Asamblea Personas Hermosa na tumulong sa LGU-Hermosa pagrerepack at distribusyon ng mga ayudang ito para sa mga mamamayan ng Hermosa.

Article Tags:
·
Article Categories:
Social Welfare

Leave a Reply

Shares