banner

Binhi ng tilapia, ipinamahagi sa mga mangingisda

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

SAMAL, Bataan – Mahigit sa 60,000 binhi ng tilapia ang inaalagaan ngayon ng labing isang mangingisda sa Samal, Bataan.

Ayon kay Carl Joseph Mena, kawani ng Samal Agriculture office, umabot sa 60,789 binhi ng tilapia ang ibinigay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa 11 rehistradong mangingisda sa bayang ito.

“Sa darating na buwan ng Marso malalaki na ang mga ito at pwede na nilang anihin para ibenta at maging dagdag na kita nila, dagdag na pahayag ni G. Mena.

Sinabi rin ni G. Mena na bukod dito nabiyayaan din ang mga mangingisda ng mga solar lamps, fish nets, 113 bangka at labing walong life vests.

Nagbigay din ang BFAR ng isang patrol boat upang gamitin ng Bantay Dagat sa mga sa pagtugis sa mga gumagawa ng iligal na pangingisda sa karagatan ng Samal.

Ang Samal ay may labing asosasyon sa labing-isang barangay na nakadikit sa karagatan. Sa kasalukuyan ang bilang ng rehistrong mangingisda sa bayang ito ay 968 kasama na rito ang mga tindera, namamalaisdaan, mga nangangapa, at mga mga may-ari ng palaisdaan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares