BPSU Morong Extension Campus, inaasahang bubuksan sa 2027

BPSU Morong Extension Campus, inaasahang bubuksan sa 2027

Naging mabunga ang pakikipagpulong nina Mayor Leila Muñoz at Vice Mayor Charmaine Garcia-Sibug ng bayan ng Morong, kina Gov. Joet Garcia at BPSU Pres. Dr. Ruby Santos-Matibag para sa pagbubukas ng BPSU Morong Extension Campus.

Ayon kay Mayor Leila Muños, matibay ang dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng Morong na maisulong ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan lalo na ngayon na patuloy ang hamon ng gastusin at mahal ng pasahe.

Sinabi pa ni Mayor Lelia na base sa napagpulungan nila nina Gov Joet at Dr. Ruby Santos-Matibag, inaasahang ang kauna-unahang kolehiyo sa kanilang bayan ay maaring magbukas sa Hunyo 2027, na isang makasaysayang hakbang na maglalapit ng oportunidad sa mga mamamayan.

Leave a comment