banner

Collection performance ng BOC Port of Limay, binigyang pagkilala

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 months ago

Binigyang parangal at pagkilala si Atty. William B. Balayo, District Collector ng Bureau of Customs, Port of Limay sa Bataan.

Ang Certificate of Commendation mula sa liderato ng Bureau of Customs ay iginawad ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kamakailan sa isang simpleng seremonya sa OCOM Conference Room, Bureau of Customs, South Harbor, Port Area, Manila.

Ang parangal ay dahil sa “commendable performance” ng BOC Port of Limay sa kanilang total collection noong Hulyo 2022 na umabot sa 11.894 Bilyong Piso. Sa naturang koleksyon ay nakapagtala ang BOC Port of Limay ng collection surplus na umabot sa P1.906 Bilyong Piso.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares