NewsSocial Welfare

Consul Eddie de Guzman, nagpaabot muli ng tulong

0

Sa muling pagsailalim ng Bataan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula noong ika-8 hanggang sa ika-22 ng Agosto, nagpaabot muli ng tulong si Consul Eddie de Guzman sa mga kapus-palad niyang kababayan. Umabot sa isang milyon, at isandaang libong piso (P 1,100,000.00) ang inilaan niyang pondo upang ipamahagi sa mahigit isang libong pamilya, sa mga Barangay East Calaguiman, West Calaguiman at Sapa.

Ngayong araw sa pangangasiwa ng mga kawani ng Village Bank sa pangunguna ni Gng. Jack Rubiano ay nakapagpamahagi na sa Brgy. Sapa at bukas, ika-18 ng Agosto ay sa mga Brgy. East at West Calaguiman naman.

Bukod pa dito, ang butihing Samalenyo na kilala sa pagiging pilantropo at matagumpay na negosyante ay nagbigay ng bigas sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan na umabot sa halagang P625,000.00.

Matatandaang noong isang taon ay namahagi din si Consul Eddie ng tig-isang libong piso sa mga kapus palad niyang kababayan sa mga nabanggit na barangay na lubos na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Halos nagkakaisa ang mga nabiyayaan sa kanilang mensahe ng pasasalamat kay Consul Eddie: “Patuloy ka nawang pagpalain ng ating Panginoon upang marami ka pang matulungan”.

 

BPSU, CBSUA sign MOU for academic, research linkage

Previous article

FAB workers get inoculated

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News