Covid-19 Update

COVID-UPDATE: OCTOBER 26, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-26 ng Oktubre, umabot na po sa 2,744 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, walo (8) ang mga bagong nakarecover at 249 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na lima (5) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 58 taong gulang na babae mula sa Mariveles
2. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
3. Isang 10 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
4. Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
5. Isang 43 taong gulang na lalaking APOR mula sa Dinalupihan

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
6. Isang 70 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
7. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,498 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
2. Isang 17 taong gulang na babae mula sa Mariveles
3. Isang 54 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
4. Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
5. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
6. Isang 5 buwang gulang na babae mula sa Mariveles
7. Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Morong
8. Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa

Ang kabuuang bilang ng active cases ay 193 at lahat sila ay naka isolate na; limampu’t tatlo (53) ang pumanaw na; 317 ang naghihintay ng resulta ng test; 24,973 ang nagnegatibo na at 276 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 28,034 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

#1Bataan ☝️

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

Tulong para sa mga nasunugan sa Samal, Bataan, dumagsa

Previous article

Livelihood kits, ipinamahagi ng DTI

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply