banner

Dagdag na vax sites inaasahan pang mabubukas – Cong Joet

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Dahil sa mabilis na pag-mutate ng corona virus, sinabi ni Cong. Joet Garcia ng pangalawang distrito na, dapat maging mahigpit ang ating health protocols maging sa loob ng tahanan.
Ayon pa kay Cong. Joet na inaasahan niya na sa ilalim ng ECQ ay mapabagal natin ang hawahan nang sa ganon ay mabigyan natin ng pagkakataon ang ating mga ospital na makapagpahinga para maalagaan nilang mabuti ang mga covid patients, maka-recover at mapababa ang bilang ng kaso nito.

Mahalaga ayon pa sa magiting na Kinatawan ang ginagawa nating mahigpit na protocol at agresibong pagbabakuna para mabawasan ang transmission.
Dahil nagcommit umano si Sec. Vince Dizon IATF Chief implementer, ng mas maraming bakuna, sinabi ni Cong Joet na kinakailangang patuloy tayong magbukas ng mga vaccination centers.
Sa bayan umano ng Mariveles, maaring magbukas ng mga vaccination sites sa mga Brgy. Batangas Dos at sa Brgy. Balong Anito gayundin sa iba pang bayan sa lalawigan na makahahanap ng partners at gamitin ang PPP scheme.

Ikinatuwa ni Cong Joet ang pagbubukas ng Brgy. Alion vax site at sinubukan umano nila na magkaroon ng pre-registration, prior to the day of the vaccination na kung saan ay ma- maximize nila yong oras ng mga doctor at health workers para mapabilis ang pagbabakuna.

Samantala, malaking pasasalamat ang ipinaabot ni Punong Barangay Al Balan kina Gov Abet at Cong Joet maging sa mga private partners na sumuporta, na hindi umano niya akalain na ang dati’y pangarap lamang ngayon ay nabigyan ng katuparan dahil ang barangay umano nila ay IRA based lamang, kung kaya’t sa suportang ipinagkaloob nina Gov. at Cong. Joet, maraming buhay na naman ang maisasalba ng nasabing vaccination center.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares