Isang mahalagang pagpupulong ang ginanap sa Pamahalaang Bayan ng Mariveles para talakayin ang digitalization ng Iskolar ng Mariveles program.
Layunin nito ayon kay Mayor AJ Concepcion, na maging maaayos, mabilis at accessible ang proseso ng pag-aapply sa programa gayundin ang pag-access ng impormasyon para sa mga estudyante na nagnanais na maging benepisyaryo ng nasabing programa.
Ang pulong ay pinangunahan ng Management Information System Office (MISO) at dinaluhan ng lahat ng ICT teachers mula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa bayan ng Mariveles.
Sinabi pa ni Mayor AJ Concepcion na sa inisyatibang ito, maiiwasan na ang napakahabang pila, mapapadali ang serbisyo para sa mga estudyante, tungo sa mas modernong sistema ng scholarship program sa bayan ng Mariveles